BAKIT NGA BA AKO NABUBUHAY?

    Bakit nga ba tayo nabubuhay?



Oo, ipinanganak tayo. Hindi para makuha ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi upang magpakita ng iba't ibang emosyon katulad ng pagtawa, pag-iyak o ngumiti at mamuhay ng tahimik. Hindi para sa ating pamilya. Ipinanganak tayo dahil iyon ang nais ng Diyos at dahil lamang sa Diyos.

Ang ating buhay ay hindi parang isang laro, o parang isang palabas sa telebisyon na Survivor na sa huli ay malalaman kung sino ang "loser". Oo, ang buhay ay isang laban. Pero walang natatalo.


Ako ay isang munting prinsipe👑. Isinilang sa lugar kung saan hindi man pinagpala sa rangya ng kabihasnan ay pinagpala naman sa mga natural na bagay na hindi maipagpapalit ng anumang halaga. Isang lugar na tahimik, payapa at sagana sa likas na yaman, magandang tanawin, maputing buhangin, sariwang hangin, makislap na dagat, at pinagpalang lupa at dagat. Ang lugar ko, ang lugar namin: ang Poblacion, Patnanungan Quezon, isang isla malapit sa dagat Pasipiko.



Ako si Tsidkenu, ang munting prinsipe👑. Matatawag mang munti pero, pero malaki ang puso sa pagunawa sa mga bagay-bagay. Malaki ang puso sa pagpapahalaga sa buhay. 

Ano bang halaga ng buhay? bakit nga ba ako nabubuhay? at ano ba talaga an halaga ng buhay ko dito sa mundong ibabaw? 


Nabubuhay ako sa kadahilanang nilikha ako ng Diyos. Nabubuhay ako dahil may kailangan akong gawin sa mundo o mayroong pinapagawa sa akin ang Diyos. Ngunit ang Diyos ang ang may hawak ng buhay kaya insinakripisyo ko ang aking sarili o buhay sa kanya. Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa salita ng Diyos♱.


Mayroon lang akong ibabahaging maikling mensahe tungkol sa walang Diyos at may Diyos. Sa pagiging walang Diyos dito ko nakita na ang buhay ay parang lantang gulay na walang kabuhay-buhay. Naiisip ko palagi na ang buhay ay lilipas rin, kaya't lahat ko gagawin upang makamtan ang aking ninanais masama man o mabuti. Subalit noong nagkaroon ako ng Diyos dito ko nakita na ang buhay ko ay may pag-asa at kulay pa. Maiiwasan ko ang masama, makikita at madadama ko ang tunay na halaga ng aking buhay. Kung kaya't naniniwala ako na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa Salita ng Diyos♱. 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento