BAKIT NGA BA AKO NABUBUHAY?
Bakit nga ba tayo nabubuhay? Oo, ipinanganak tayo. Hindi para makuha ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi upang magpakita ng iba't ibang emosyon katulad ng pagtawa, pag-iyak o ngumiti at mamuhay ng tahimik. Hindi para sa ating pamilya. Ipinanganak tayo dahil iyon ang nais ng Diyos at dahil lamang sa Diyos. Ang ating buhay ay hindi parang isang laro, o parang isang palabas sa telebisyon na Survivor na sa huli ay malalaman kung sino ang "loser". Oo, ang buhay ay isang laban. Pero walang natatalo. Ako ay isang munting prinsipeđź‘‘. Isinilang sa lugar kung saan hindi man pinagpala sa rangya ng kabihasnan ay pinagpala naman sa mga natural na bagay na hindi maipagpapalit ng anumang halaga. Isang lugar na tahimik, payapa at sagana sa likas na yaman, magandang tanawin, maputing buhangin, sariwang hangin, makislap na dagat, at pinagpalang lupa at dagat. Ang lugar ko, ang lugar namin: ang Poblacion, Patnanungan Quezon, isang isla malapit sa dagat Pasipiko. A